-- Advertisements --

Muling binuksan ng United Arab Emirates ang kanilang pintuan para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya pati na rin sa mga naghahanap ngayon ng hanapbuhay.

Ayon kay Labor Attaché John Rio Bautista ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa Dubai, ang Dubai Duty Free shops ay magre-rehire sa mahigit 600 OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Bukod sa retail sector, sinabi ni Bautista na mayroon ding mga employers na nagpakita ng interest sa pag-hire sa mga Filipino health professionals.

Mahgiit 8,000 job orders aniya para sa household service workers (HSW) ang naberepika ng POLO mula noong Abril at 6,000 dito ay nakarating na sa Dubai.

Pinapaalalahanan naman ni DOLE Sec. Silvestre Bello III ang mga naghahanap ng trabaho na dumaan sa wastong labor process at bumisita sa POEA website para maberipika ang legitimacy ng mga job offers.