Plantsado na at mananatili pa rin sa Miami Heat ang kanilang guard superstar na si Tyler Herro matapos na pumirmang muli ng apat na taong kontrata para sa extension nito.
Sinasabi na ang deal sa reigning NBA Sixth Man of the Year noong nakaraang season na si Herro ay nagkakahalaga ng $30 milyong dolyar per season na may kasamang incentives na kung susumahin ay aabot sa $130 milyong dolyar.
Kung maaala nakaabot ang Heat sa NBA Finals noong 2020 title showdown dahil sa malaking tulong ni Herro sa kabila na kanyang rookie season pa lamang sa kanyang paglalaro sa koponang Miami.
Nitong nakalipas namang season si Herro ay may average na 20.7 points, 5.0 rebounds at 4.0 assists na naging susi sa para masungkit niya ang NBA top reserve award. (with reports from Bombo Allaiza Eclarinal)