-- Advertisements --

Pinagsisisihan ni Tuguegarao City Mayor Jefferson Soriano na iniwan niya ang lungsod para ipagdiwang ang kanyang kaarawan bago pa man nagkaroon ng baha sa Cagayan dahil sa Bagyong Ulysses.

Kasabay nito ay humingi ng paumanhin si Soriano dahil hindi napaghandaan ng city government ang marahil pinakamalalang pagbaha sa lungsod sa nakalipas na apat na dekada.

“Of course, I really regretted going to Manila that time. But I really did not expect, even the people who were requesting for rescue at the height of November 13, they did not expect that the water would be that big,” ani Soriano sa isang panayam.

Ayon sa alkalde, “very manageable” naman ang problema sa baha sa Tuguegarao pero hindi aniya nila talaga inasahan na tataas ng sobra ang baha.

Una rito ay umani nang batikos si Soriano sa social media matapos kumalat ang litrato nito na nagdiriwang ng kanyang kaarawan sa labas ng lungsod habang binabaha ang lugar dahil sa Bagyong Ulysses.