Inirekomenda ng doktor ni President-elect Joe Biden na magsuot ito ng “walking boot” sa loob ng ilang lingo.
Nagtamo kasi ng “hairline fracture” sa kaniyang mid-foot ang dating bise presidente ng Amerika matapos madulas habang nakikipaglaro umano sa kaniyang aso na si Major.
Nilinaw naman ni Dr. Kevin O’connor na base sa resulta ng x-ray, walang masyadong mga bali ang nakikita sa paa nito.
Kapansin-pansin naman ang tweet ni US President Donald Trump para sa agarang paggaling ng kanyang matinding karibal sa pagsasabing “get well soon!”
Marami pang personalidad ang nagpaabot din ng “well wishes” kay Biden lalo na at palapit na ang December 14 na siyang kumpirmasyon ng electoral college sa kanyang panalo noong halalan.
Si Biden ay una nang nagdiwang ng kaniyang ika-78 na kaarawan noong Nobyembre 20 kung saan siya ang magiging pinakamatandang presidente ng kasaysayan ng Amerika.