-- Advertisements --
Muling hinalungkat ni US President Donald Trump ang kaniyang pagkadismaya sa Europe.
Kasunod ito sa hindi pagsuporta nila sa kanilang ginawang pag-atake sa Iran.
Isinagawa ni Trump ang pahayag sa pakikipagpulong niya kay North Atlantic Treaty Organization (NATO) chief Mark Rutte sa White House.
Sinabi ni Trump na hindi nila kailangan ng anumang tulong subalit mas maganda aniya kung nagkusa ang European countries ng tulong sa kanila.
Giit nito na dismayado siya sa Italy, United Kingdom at Spain.
Magugunitang makailang ulit ng binabatikos ni Trump ang mga European allies na inaakusahan niya ang mga ito na bigong pagsuporta sa kanilang pakikipaglaban sa Iran.









