-- Advertisements --

Hinimok ni U.S. President Donald Trump ang Iran na sumuko na lang upang matapos ang nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng dalawang bansa.

Sa isang phone interview, sinabi ni Trump na dapat umanong magtaas ng “white flag of surrender” ang Iran habang nananatiling hindi umuusad ang mga pag-uusap para sa pagtatapos ng labanan.

Noong Hunyo, nagkasundo ang Washington at Tehran sa isang memorandum of understanding na nagtakda ng agarang at permanenteng pagtigil ng mga operasyong militar sa lahat ng panig.

Gayunpaman, hindi ito nagtagal at sinabi ni Trump na napaso na ang kasunduan noong Hulyo 7, habang kinumpirma naman ng Iranian Foreign Ministry makalipas ang isang linggo na kanilang kinansela ang kasunduan.

Sa ilalim kasi ng naturang kasunduan, dapat sanang makikipagnegosasyon ang dalawang bansa sa loob ng 60-araw para sa isang mas malawak na kasunduan, kabilang ang usapin sa nuclear program ng Iran.

Sa naging hiwalay na pag-uusap ng Oman at Iran tinalay dito ang muling pagbubukas ng commercial shipping sa Strait of Hormuz.

Nagbabala rin si Trump laban sa Oman sakaling hadlangan umano nito ang mga hakbang ng US sa rehiyon.

Nagbabala naman si Trump laban sa Oman na kung sakaling haharangin ang mga plano ng Amerika ay tiyak na bomba ang kanilang ipadadala.

“If Oman gets in the way, we’ll bomb the shit out of them,” ani Trump.

Samantala sa tanong kung may epekto ang ginagawang hakbang ni Trump sa Iran para sa darating na November midterm elections. Aniya, “Midterms have nothing to do with my thinking.”

Giit pa ng U.S President na pangunahing layunin ng kanyang administrasyon na pigilan ang Iran na magkaroon ng nuclear weapon.