-- Advertisements --

Nagsalita na ang mag-asawang Travis Barker at Kourtney Kardashian ukol sa tinuturing nilan g emosyonal at nakakatakot na linggo.

Sa kanilang social media ay nagpost ang Blink 182 drummer na si Barker kung bakit ito itinakbo sa pagamutan.

Sinabi nito ng na sumailalim siya sa endoscopy at mabuti na ang kaniyang pakiramdam.

Subalit nakaramdaman ito ng labis na pananakit sa kaniyang katawan kay ito ay itinakbo sa pagamutan.

Mayroon aniyang maliit na polyp na tinanggal sa kanang bahagi ng sensitibong bahagi ng katawan na ginagawa lamang ng mga espesyalista.

-- Advertisement --

Kapag aniya hindi ito naagapan ay magreresulta sa pagkasira ng kaniyang pancreatis.

Magugunitang noong Mayo ay ikinasal ang dalawa sa Italy.