-- Advertisements --
Iginagalang ng MalacaƱang ang desisyon ng Malaysia na huwag munang mag papasok ng mga Pilipino sa kanilang bansa sa gitna pa rin ng COVID-19 pandemic.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, bagama’t hindi nakakatuwa ang balitang ito, nirerespeto ng Pilipinas ang sovereign decision na ito ng Malaysia.
Magugunitang inanunsyo ng Malaysia na hindi muna sila tatanggap ng mga mamamayan mula sa Pilipinas, India at Indonesia na kabilang sa mga bansa sa Asya na mayroong pinakamataas na kaso ng COVID-19.
Sakop ng restriction na ito ang mga mayroong long-term passes, mga estudyante, expatriates, permanent residents, maging ang mga miyembro ng pamilya ng mga Malaysians citizens.