Naka-activate 24 oras ang tracker teams at warrant servers ng Philippine National Police (PNP), ayon kay PNP chief Gen. Jose Melencio Nartatez Jr.
Ginawa ng hepe ng pambansang pulisya ang pahayag matapos tuluyan nang inisyuhan ng Sandiganbayan ng warrant of arrest si Senador Rodante Marcoleta at tatlong kapwa nila akusado.
Ayon sa PNP chief, kanilang iisyu ang warrant at ipapaalam sa kanilang tracker teams at warrant server kaugnay ng mga aarestuhing indibidwal.
Matatandaan, noong Biyernes nang maghain ang Office of the Ombudsman ng plunder case na walang kaukulang piyansa laban kay Marcoleta at tatlo pang sa kaniyang kapwa akusado na sina dating Anakalusugan Rep. Mike Defensor, negosyanteng si Aristotle Viray at Joseph Espiritu sa Sandiganbayan may kaugnayan sa kaniuang kasong plunder dahil sa umano’y hindi pagdedeklara ng mahigit P75 million campaign donations sa kaniyang SALn at SOCE.
Sa ngayon, sa apat na akusado, si Sen. Marcoleta pa lamang ang kusang sumuko matapos ibasura ng Sandiganbayan ang motion to quash ng senador sa kasong plunder at tuluyang nag-isyu ng warrant of arrest laban sa senador at tatlo pa niyang kapwa akusado.















