-- Advertisements --

Tinambakan ng TNT Tropang 5G ang Blackwater 108-82 sa nagpapatuloy na PBA 49th Season Philippine Cup.

Nanguna sa panalo ng TNT si Simon Enciso na mayroong 19 points habang mayroong 15 points, pitong rebounds si Kelly Williams at 14 points naman kay Calvin Oftana.

Mayroon ng anim na panalo at tatlong talo ang TNT kung saan tabla sila ng Barangay Ginebra at Rain or Shine habang mayroong isang panalo at walong talo ang Blackwater.

Ipinagmalaki naman ni TNT coach Chot Reyes ang naging matinding depensa ng kaniyang koponan.

Nasayang naman ang nagawang tig-13 points nina Christian David at Sedrick Barefield para sa Blackwater sa laro na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.