-- Advertisements --

Pinangunahan ni Shai Gilgeous-Alexander ang Oklahoma City Thunder matapos masungkit ang panalo kontra Golden State Warriors, 126-102, nitong Martes ng gabi (araw sa Amerika).

Nagposte si Gilgeous-Alexander ng 28 points sa loob lamang ng 3rd quarters, habang nagtala naman si Chet Holmgren ng 23 points at 11 rebounds sa perfect shooting —9-for-9 sa field, 2-for-2 sa tres, at 3-for-3 sa free throw.

Nag-ambag din sina Isaiah Joe ng 18 points at Ajay Mitchell, 17 para sa Thunder, na ngayon ay may 11-1 record at 5-0 sa home games.

Samantala, nanguna si Jonathan Kuminga sa Warriors na may 13 points, habang hirap si Stephen Curry sa kanyang pagbabalik mula sa karamdaman, na nagtala lamang ng 11 points sa 4-for-13 shooting.

Kahit wala si Lu Dort dahil sa injury, nanatiling matatag ang depensa ng Thunder, na nagpahirap sa opensa ng Warriors, ang ikalawang pinakamababang puntos ng koponan ngayong season.