Iniulat ng international organization for independent tanker owners na malaki ang ibinaba ng bilang ng mga barkong dumaraan sa Strait of Hormuz kasunod ng paglala ng tensyon sa rehiyon.
Mula kasi sa karaniwang humigit-kumulang 130 barko kada araw bago sumiklab ang sigalot sa rehiyon, nasa iisang digit na lamang umano ang bilang ng mga barkong gumagamit ng ruta para dumaan dito.
Ito’y matapos ang muling palitan ng mga airstrike ng Estados Unidos at Iran noong Miyerkules at Huwebes.
Ayon sa militar ng U.S., timaan ng kanilang airstrike ang nasa 90 target ng militar sa Iran. Kabilang narito ang ilang pasilidad na malapit sa Strait of Hormuz.
Layunin daw nitong pahinain ang kakayahan ng Iran na atakihin ang mga comercial na mga barko at sibilyan na dumaraan sa naturang Strait.
Kinumpirma naman ng Iran na hindi babab sa 14 katao ang nasawi sa pinakahuling pag-atake ng Amerika.
Iniulat din ng Iran’s state media na may mga tinamaan rin malapit sa Bushehr nuclear power plant, bagama’t wala pang pahayag ang Estados Unidos hinggil dito.
Bilang ganti, sinabi ng Islamic Revolutionary Guard Corps (IRGC) na nagsagawa rin sila ng mga pag-atake sa base militar ng Amerika sa Kuwait, at Bahrain na tinawag nitong simula palamang ng kanilang ”punitive response.”
Bukod dito may mga panibago ring missle attack na isasagawa sa Kuwait, Jordan, at Iraq kung saan mayroon ring base militar ng Estados Unidos.
Samantala, iniulat naman ng Iranian Ministry of Health na bukod sa 14 na nasawi ay 78 na katao na ang tinatayang nasugatan sa mga pambobomba ng Amerika noong Hulyo 8 at 9. 47 bilang sa mga ito ang nanatiling naka-confine sa ospital.
Sa gitna ng Krisis, sinabi ni U.S. President Donald Trump na nais umano ng Iran na muling makipagkasundo sa kanila ngunit duda na siya rito.
Tinanggihan naman ito ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi kung saan sinabi niyang sasagutin ng Iran ang mga ginagawa ng Amerika hindi sa maaanghang na pananalita kundi sa pamamagitan ng malalang pagtugon nito.















