-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO-Nagdulot ng takot sa mga sibilyan ng Pikit Cotabato ang dalawang magkasunod na pagsabog malapit sa Task Force Pikit Checkpoint alas 7:38 nitong gabi ng Miyerkules.
Una ay akala ng mga residente ay dalawang granada ang inihagis dahil sa lakas ng pagsabog.
Nang magresponde ang mga tauhan ng Pikit PNP sa pamumuno ni Major Maxim Peralta ay wala silang makitang palatandaan na granada ang sumabog.
Agad sinuri ng EOD team ang lugar ng pinagsabugan at nakomperma na dalawang malalaking firecrackers lamang ang pinasabog.
Malaki ang paniniwala ni Pikit Mayor Sumulong Sultan na pananakot lamang ang magkasunod na pagsabog ng firecrackers kaya hinigpitan pa ng militar at pulisya ang pagpapatupad ng seguridad sa lungsod.










