-- Advertisements --
image 148

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang ang pagbabago sa mga ahensiya ng pamahalaan na bumubuo sa Task Force na tututok sa epekto ng El Nino sa bansa.

Batay sa anunsyo ng Malakanyang, ang nasabing task force ay pangungunahan na ng Department of Interior ang Local Government, kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan, katulad ng DA, DND, at iba pa.

ang nasabing team ay naatasang bumuo ng mga programa na siyang tutugon sa epekto o impact ng El Nino sa ekonomiya, natural resources, environment, climate change, disaster response, at iba pang aspeto ng bansa.

Ayon kay Presidential Communicaions Office Secretary Cheloy Garafil, ang task force ay naatasang magpatupad ng whole-of-the-government at whole-of-nation approach.

Inaatasan din aniya ang lahat ng mga Local Government Units sa bansa na ibigay ang lahat ng suporta sa task force sa tungkulin nitong tumugon sa El Nino.

Samantala, maliban sa pagbuo ng mga proyektong tutugon sa El Nino, inaatasan din ang task force na magsagawa ng malawakang public information campaign para mabigyan ng sapat na impormasyon ang publiko ukol sa ugat at epekto ng nasabing weather phenomenon.