-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Nilikha ng 6th Infantry (Kampilan) Division Philippine Army ang Task Force Bangis.

Itoy para palakasin ang kampanya kontra mga rebeldeng New Peoples Army.

Ayon kay 6th ID Chief at Joint Task Force Central Commander Major General Roberto Capulong Jr,layon nito napalakasin ang pwersa ng militar upang tuluyang buwagin ang natitirang mga kasapi Communist Terrorist Group (CTG) Guerilla Front Musa at ang iba pang mga terorista na kumikilos sa bahagi ng South at Central Mindanao.

Ang Task Group ‘Bangis’ ay ilalagay sa ilalim ng jurisdiction ng 1st Mechanized Infantry Brigade.

Si Lt. Col. Michael Angelo Candole ay itinalaga bilang Battalion Commander.

Sa pamamagitan ng bagong likhang task group, tutuparin ng 6ID ang kanilang pangako kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mas palalakasin pa ang kampanya laban sa teroristang grupo.