-- Advertisements --

Nakuha ng bayan ng Tampakan sa South Cotabato ang Guinness World Record na may pinakamaraming nabigyan ng pedicures sa loob ng walong oras.

Nasa 160 na mga nail techncians ang lumahok kung saan nabigyan nila ng serbisyon ang 1,223 na mga katao.

Nahigitan nila ang Guinness record na hawak ng Canada mula pa noong 2015 na mayroong 1,085 ang kanilang nabigyan ng pedicures.

Isinagawa ito kasabay ng Tamfaken Lum’alay Festival noong Hunyo 15 sa kanialng ika-55 anibersaryo.

Inanunsiyo ni Kazuyoshi “Kazu” Kirimura ang Guinness official adjudicator ang anunsyo.

Pinasalamatan naman ni Tampakan Mayor Leonard Escobillo ang mga lumahok para makuha nila ang nasabing record.