Binuksan ng Taguig LGU kasama ang Office of the Senior Citizen Affairs (OSCA) ang ‘Embo Center para sa mga Senior Citizen.
Ayon sa Taguig LGU, gusto lamang nilang bigyan ng kaginhawaan ang lahat ng Senior Citizen ng Taguig at ma- avail ng libre ang kanilang mga programa.
Ang mga aktibidad sa naturang center ay nago-offer din ng Informative lectures at forums gaya ng dementia, osteoporosis, at pagkain ng tama na naayon sa kanilang edad.
Kabilang sa mga nasakop na Embo Barangay ang mga Senior citizen ng Brgy. Rizal, Brgy. East Rembo, Brgy. Cembo, Brgy. Post Proper Southside, Brgy. Pitogo, Brgy. Comembo, Brgy. Post Proper Northside, Brgy. South Cembo, and Brgy. West Rembo.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente nito at may ganitong programa na maari nilang gawjn ng libre at makapagpahinga.