-- Advertisements --

taguig2

Magbubukas ang pamahalaang lokal ng Taguig ng limang bagong multi-storey school buildings.

Ito ay bilang paghahanda sa pagsisimula sa face-to-face classes ngayong bumababa na ang COVID-19 alert level sa Metro Manila.

Ayon kay Taguig City Mayor Lino Cayetano, ang mga nasabing proyekto na malapit ng matapos ay kinabibilangan ng dalawang 7-storey na school buildings at tatlong 4-storey school building.

Ang dalawang pitong palapag na school buildings ay ang Ciriaco P. Tinga Elementary School sa Barangay Hagonoy at ang Ricardo P. Cruz Sr. Elementary School sa Barangay New Lower Bicutan na mayroon pang elevator.

Habang matatapos na rin ang mga apat na palapag na school buildings na kinabibilangan ng Tipas Elementary School Annex Building na mayroong covered court na matatagpuan sa Barangay Calzada-Tipas; Bagong Tanyag Elementary School Main sa Barangay Tanyag; Kapt. Jose Cardones Memorial Elementary School sa Barangay South Signal, ang lahat ng eskwelahan ay kumpleto ng air-condition, ceiling fan, kuryente, at tubig.

taguig4

“I am very happy with the results. All the credit goes to all the hardworking local government personnel who wholeheartedly performed their duties for the benefit of Taguigeños,” pahayag ni Mayor Lino Cayetano.

Sa talumpati ni Mayor Lino Cayetano, sinabi nito na sa kabila ng hirap na dala dahil sa nararanasang pandemya ay mas pinili niyang ituloy ang mga proyekto ng pagpapagawa ng mga eskwelahan para sa kabataan ng lungsod.

Ayon kay Mayor Cayetano, siya ay natutuwa sa resulta at ito ay dahil sa mga hardworking local government personnel.

Nangako pa si Mayor Lino na kaniyang itutuloy ang mga proyekto ng lungsod na magbe benepisyo sa mga estudyante ng Taguig.

Dagdag pa ng alkalde na prayoridad ng kanilang administrasyon ang pag invest sa mga estudyante.

Aniya nais nito na matulungan ang mga estudyante na magtagumpay sa kanilang buhay.

“Investing in our students is a priority. We want to help them succeed in life. Taguig will also reap the benefits as our students become productive members of society who will contribute on their own to the continued progress of the city,” dagdag pa ni Mayor Lino.