-- Advertisements --

Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang hinihinging pagtaas sa singil ng isang toll road na nasa ilalim ng Cavite Expressway o CAVITEX.

Batay sa abiso nng TRB, tataas ng P2 ang toll ng cavitex mula sa Coastal Road hanggang Paranaque, Las Pinas, at Zapote Exit.

Ibig sabihin, mula sa P33 ay magiging P35 na ang babayaran ng mga sasakyang nasa ilalim ng Class 1. Mula P67 ay magiging P70 naman ang para sa Class 2, at mula P100 ay magiging P104 na para sa Class 3.

Sa ikalwang toll plaza, magiging P70 naman ang dating P67 na sinisingil sa Class 1.

Magiging P145 ang kasalukuyang sinisingil na P129 sa Class 2, at nasa P219 ang kasalukuyang sinisingil na P194 para sa Class 3.

Sa kasalukuyan, wala pang opisyal na petsa kung kailan ipatutupad ang nasabing taas-singil sa mga sasakyan.