-- Advertisements --

Nanguna ang versatile recording artist na si SZA sa may pinakamaraming nominasyon sa Grammy Awards.

Mayroon siyang siyam na nominasyon sa nasabing Grammy na gaganapin ang awarding ceremony sa Pebrero 4.

Ang 34-anyos na si SZA o Solána Imani Rowe sa tunay na buhay ay nakuha ang nominasyon ng album of the year para sa album nitong “SOS”, record of the year at song of the year para sa kanta nitong “Kill Bill”.

Dahil dito ay nahigitan niya ang ilang mga malalaking singers gaya nina Taylor Swift, Miley Cyrus at Billie Eilish.

Sumunod sa kaniya si Victoria Moneit na mayroong pitong nominasyon kabilang ang best new artist at record of the year at best R&B song para sa kantang “On My Mama”.