-- Advertisements --
Nagbalik mula sa bingit ng pagkatalo ang for-timechampion na si Iga Swiatek, at tinalo si Elena Rybakina upang makapasok sa quarterfinals ng French Open.
Sa una, nahirapan si Swiatek at halos matalo, ngunit nakahanap siya ng tamang diskarte upang manalo sa tatlong set, 1-6, 6-3, 7-5.
Sa kabilang banda, si Carlos Alcaraz, kasalukuyang may hawak ng men’s title, ay nagwagi laban kay Ben Shelton upang maabot ang quarterfinals sa ikaapat na sunod na taon.
Ang susunod na hamon para kay Swiatek ay si Elina Svitolina, habang si Alcaraz naman ay makakaharap si Tommy Paul sa quarterfinals.
Si Aryna Sabalenka ay pumasok din sa quarterfinals matapos talunin si Amanda Anisimova, na ginawang sampung sunod na Grand Slam quarterfinal appearances niya.