-- Advertisements --
Naging espesyal pa rin ang “sweet 16” party ng pangalawang anak ni Sunshine Cruz.
Ito’y kahit sa bahay lamang ginanap ang dinner party ni Samantha bunsod ng quarantine protocols sa gitna pa rin ng coronavirus pandemic sa bansa.
Bago ang salu-salo kasama ang bagong kasintahan ng 43-year old actress, sumabak muna ng Euphoria-themed photoshoot ang birthday girl.
Tila showdown din ito ng posing sa pagitan ng teenage model/recording artist kasama ang kanyang ina, gayundin ang dalawa pang kapatid.
Nabatid na nasa kustodiya ni Sunshine ang kanyang “tres marias” matapos ang annulment nila ng celebrity din na si Cesar Montano.