-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagpasaklolo sa Bombo Radyo ang mga Pinoy na mangingisda na stranded ngayon sa Dakar, Senegal sa West Africa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Merle Taburnal, ng Ajuy, Iloilo at maybahay ng isang sa anim na stranded na Pinoy sa seafarer, sinabi nito na isang beses lang na pinapakain ang mga crew ng barko.

Ayon kay Taburnal, pangingisda sana ang trabaho ng kanyang mister ngunit hindi naman sila nakakatanggap ng sahod.

Dahil dito, nagdesisyon ang mga Pinoy crew na umalis sa fishing vessel at manatili na lang sa nakadock na barko.

Nanawagan naman si Taburnal sa Overseas Workers Welfare Administration at Iloilo Provincial Government sa pamamagitan ng Bombo Radyo na tulungan na makauwi ng Pilipinas ang nasabing mga Pinoy.