-- Advertisements --
Tiniyak ng mga manufacturer na agad silang magre-replenish o maglalagay ng kanilang stock ng paracetamol sa mga botika ngayong linggo.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, ang report sa kanila ng mga manufacturer ay nagsimula na rin naman sila na makapag-deliver ulit sa ngayon kasunod nang pagtaas talaga ng demand sa isang brand ng paracetamol pagkatapos ng Bagong Taon.
Normal naman aniya ang inventory sa mga botika kaso hindi naman ang mga ito handa sa buhos ng demand kaya nagkaroon ng mga “out of stock” ng gamot.
Kasabay nito ay nananawagan si Lopez sa publiko na huwag mag-panic at iwasan ang pag-hoard ng mga gamot para sa mga flu-like na sintomas.















