-- Advertisements --
Itinuturing ni Errol Spence Jr na ang elterweight fight niya kay Terence Crawford na pinakamalaking laban sa buong sports sa nagdaang dalawang dekada.
Mas malaki pa aniya ito kumpara sa laban noon sa pagitan ni Floyd Mayweather Jr at Filipino boxing champion Manny Pacquiao.
Si Spence ay may hawak ng WBC, IBF at WBA super titles na mayroong 28 panalo at wala pang talo na mayroong 22 knockouts habang si Crawford ay mayroong 39 panalo at wala pang talo na mayroong 30 knockouts.
Gaganapin ang paghaharap ng dalawa sa darating ng Hulyo 29 sa Las Vegas.