-- Advertisements --

Nanumpa na si Senate President Juan Miguel Zubiri bilang bagong reservist ng Philippine Army sa Camp Aguinaldo.

Ginawaran si Zubiri ng ranggong Lt Colonel na pinangunahan naman ni General Romeo Brawner, chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). 

Ayon kay Zubiri, pinili niya na maging army reservist sa gitna ng mga suliraning pangseguridad na kinahaharap ngayon ng bansa. 

Aniya, matagal niya nang gustong sumama bilang army reservist ngunit nahadlangan ito ng pagiging opisyal nya ng Philippine Red Cross

Bilang reservist, nais nyang mapatunayan na handa siyang tumulong sa mga kababayan natin hindi lamang sa pagtatanggol sa soberenya upang labanan din ang krisis at tumulong sa pangangailangan ng mga Pilipino. 

Binigyang-diin ni Zubiri na walang ibang magtatanggol sa Pilipinas kundi mga kapwa Pilipino.