-- Advertisements --

Ikinasal ang showbiz couple na sina Sophie Alber at Vin Abrenica.

Sa kanilang mga social media account ay nagpost ang dalawa ng mga larawn ng kanilang pag-iisang dibdib.

Hindi na nagbigay pa ng ilang mga detalye sa nasabing kasal ng dalawa.

Magugunitang noong Pebrero 2021 ng inanunsiyo ng actress na engaged na sila.

Matapos ang ilang buwan ay isinilang nila ang panganay nilang anak na si Avianna.