-- Advertisements --

Hinikayat ni House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Sarte Salceda si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maglabas nang executive order na tutugon sa isyu ng El Nino weather phenomenon ng sa gayon magkaroon na ng mga hakbang para maibsan ang epekto nito na posibleng tatagal hanggang taong 2024 at posibleng magsanhi ng krisis ng tubig sa bansa.

Si Salceda ang chairman ng House technical working group sa panukalang bubuo ng Department of Water Resources, kung saan ilang mga panukala ang inirekumenda.

kabilang sa mga inirekumenda sa nasabing panukala ay ang pag develop ng isang small scale short gestation period irrigation system (NIA, Provincial engineering office, DA), pabilisin ang Shallow tube well irrigation development sa ilang mga piling lugar.

Bilisan ang pag construct ng small water impounding projects at paalalahanan ang mga baragays na obligasyon nilang magtayo ng rainwater catchment facilities sa pamamagitan ng DILG.

Pinuri ni Salceda ang paglabas ng Pangulo ng executive order na bumubuo ng apex body para water security, kaya dapat lamang na mag isyu din ito ng panibagong direktiba para ma- mitigate ang negatibong epekto ng El Nino.

Iminumungkahi din ni Salceda na magkaroon ng activities bilang tugon sa panahon.

Dagdag pa ng mambabatas na ang Kamara ay posibleng ipasa na ang Department of Water Resources bill in time sa State of the Nation Addess ni Pangulong Marcos Jr.

“I am positive that we have time between May 8 and SONA. It will be another major legislative accomplishment for PBBM,” pahayag ni Salceda