Nakikiisa si Solenn Heussaff sa pag-promote ng kahalagahan ng tubig sa gitna ng pakikipaglaban ng bansa sa coronavirus pandemic.
Ayon sa 35-year-old half Pinay actress, totoong No. 1 rule sa magandang kalusugan ay ang pagsama sa tubig sa daily habits ng isang tao.
Dagdag nito na malaki ang papel ng tubig mula sa pag-inom nito, gayundin sa paghuhugas ng kamay at hanggang sa madalas na pagligo upang manatiling malinis.
Parte rin aniya ito ng kanyang diet kung saan umiinom muna siya ng isang basong tubig bago kumain upang mabusog na agad.
Naniniwala ang sister-in-law ni Anne Curtis sa mga nakukuhang benefits sa simpleng pag-inom lang ng tubig gaya ng nababawas na stress at timbang, matibay na immune response, at pinalakas na willpower.
Sa panig ng kanyang French business husband na si Nico Bolzico, sinabi nito na nakaka-limang litro siya ng inom na tubig araw-araw.
“That does not mean that everyone should drink 5 liters of water a day, it will depend on your lifestyle, but make sure you drink your water,” saad nito.