-- Advertisements --
Umabot ng mahigit isang milyon likes ang social media post ng retired tennis player na si Roger Federer kasama ang Korean girl group na BlackPink.
Sa kaniyang social media ay makikita na pinagitnaan siya ng Blackpink member na sina Jennie, Jisoo, Lisa at Rose.
Ayon sa Swiss retired tennis star na mismo ang anak niya ang nagsabing tiyak na magugustuhan ito ng kaniyang mga fans.
Nag-komento naman sa social media ang kapwa tennis star gaya nina Coco Gauff, Denis Shapovalov at maraming iba pa.