Mahigpit na ring ipatutupad sa mga restaurants at coffee shops sa Hanoi ang pagsunod sa social distancing para labanan ang pagkalat ng COVID-19.
Ipinag-utos ito ni vice-chairman of the Hanoi People’s Committee Ngô Văn Quý sa ginawang Steering Commitee on COVID-19 Prevention and Control meeting.
“Starting at midnight on Wednesday, food and beverage places must arrange seats at least a meter from each other and partitions are encouraged,” saad ni Quý.
Kakailanganin namang magsuot ng face masks ang mga empleyado ng nga restaurants at cafes. Sisiguraduhin din ng mga ito ang temperatura ng mga kustomer bago pumasok sa kanilang pasilidad.
Ang Hanoi ay sentro ng malalaki at central-level hospitals kung saan malaking bilang din ng mga indibidwal ang nagtutungo sa ibang probinsya upang magpagamot.