-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang isang sitio leader sa pamamaril sa probinsya ng Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Kadil Kusain, 44, may asawa at sitio leader ng Barangay Inug-ug, Pagalungan, Maguindanao.

Ayon kay Pikit chief of police Major Maxism Peralta na lulan ang biktima sa kanyang motorsiklo sa Brgy Inug-ug, Pikit, Cotabato nang dikitan ng riding in tandem suspects at pinagbabaril gamit ang kalibre .45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek patungo sa direksyon ng Pagalungan, Maguindanao.

Agad dinala ng mga nagrespondeng pulis ang biktima sa Cruzado Medical Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay nang magtamo ng tatlong tama ng bala sa kanyang katawan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Pikit PNP sa pamamaril patay sa biktima.