-- Advertisements --

Hinatulang guilty ng korte ang singer na si R.Kelly.

Ito ang naging resulta ng pagdinig sa siyam na federal case kabilang na ang sex crimes, human trafficking, obstruction of justice, kidnapping at racketeering.

Ang paghatol ng federal court sa Brooklyn ay isinagawa matapos ang dalawang taon ng maaresto si Kelly sa Chicago dahil multiple federal sex crimes sa dalawang magkaibang estado.

Tinawag naman ng abogado ng singer na isang uri ng paninira ang mga nagsampa ng kaso sa singer.

Dahil sa nasabing hatol ay posibleng makullong ito ng habambuhay.

Mahaharap ang singer ng habambuhay na pagkakakulong kapag dumating na ang paghatol sa kaniyang kaso sa Mayo 4, 2022.