-- Advertisements --
Nagpositibo sa COVID-19 si Sinagporean President Halimah Yacob.
Sa kaniyang social media, sinabi nito na nakaranas siya ng sintomas kung saan mayroon siyang bahagyang lagnat.
Dahil dito ay minabuti na lamang niyang mag-isolate.
Humingi na rin ito ng paumanhin dahil sa hindi ito natuloy na dumalo sa ilang mga events.
Base sa health ministry ng Singapore na aabot sa mahigit 6,000 ang naitalang kaso ng COVID-19 sa nasabing bansa.