-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO- Nagdulot ng takot sa mga deboto ang iniwang mot orsiklo sa isang simbahan sa probinsya ng Cotabato.
Ayon kay M’lang MDRRM Head Bernardo Tayong na naiwang umaandar ang XRM na motorsiklo sa harap Sta. Teresita Parish sa M’lang, North Cotabato ng mahigit isang oras na dahilan para maalarma ang mga tricycle driver sa lugar at agad na nagreport.
Agad na nagresponde ang mga sundalo at pulisya kasama ang EOD Team.
Nang tingnan ng K9 ay negatibo sa pampasabog ang motorsiklo at baka nakaligtaan lang umano ito ng may-ari.
Nagpasalamat naman si Mlang Mayor Russel Abonado sa mga concerned citizen na nagpaabot ng impormasyon.