-- Advertisements --
VICTIM DAILY TRIBUNE

CEBU CITY – Patuloy ang imbestigasyon ng otoridad sa pagkamatay ni Renato Llenes sa loob ng comfort room ng Lapu-Lapu City jail.

Ayon kay Lapu-Lapu City Jail Male Dormitory Jail Warden, Jail Superintendent Jessie Calumpang nadiskubre na wala ng buhay si Llenes kahapon ng umaga na pinaniwalaang nagbigti sa loob ng CR. Tinitingnan na ng otoridad kung walang foul play sa insidente.

Si Llenes ang tinuturong responsable sa pagpatay kay Christine Lee Silawan noong nakaraang taon kung saan naaresto ito sa Barangay Bankal, lungsod ng Lapu-Lapu, Cebu.

Maaalala na magka-relasyon umano ang suspek at biktima sa pamamagitan ng social media matapos gumamit ng dummy account ng suspek.

Kalaunan ay nalaman ng biktima ang totoo na naging dahilan upang madismaya ito bagay naman na ikinagalit umano ng suspek hanggang sa humantong sa karumal-dumal na krimen nang sinaksak ng ilang beses ang biktima bago tinanggalan ng balat ang mukha.

Nagselos umano ang suspek dahil ibang karelasyon umano ang lalaki.