-- Advertisements --
Nagtala ng season high na 40 points si Pascal Siakam kasama na ang 13 rebounds para ipahiya ng Toronto Raptors ang Boston Cletics, 115-112 sa overtime game.
Sinamantala ng Raptors ang kakulangan ng players dahil hindi nakalaro ang mga forwards na sina Jaylen Brown at Jason Tatum at mga centers na sina Al Horford at Robert Williams III.
Ito na ang ikalimang talo ng Boston (47-29) sa huling 29 games.
Tumulong din naman sa panalo ng Raptors (43-32) sina Fred VanVleet at OG Anunoby na may tig-14 point para matigil na ang apat na sunod na pagkatalo nila sa home games laban sa Celtics.