-- Advertisements --

CEBU CITY — Hinihintay ngayon ang alkalde ng Minglanilla, Cebu na si Mayor Elanito Peña ang show-cause order mula sa Department of Interior and Local Government (DILG).

Ito’y alinsunod sa pag-amin na nagpabakuna ito laban sa COVID-19 noong Marso 23 gamit ang AstraZeenca vaccine.

Sa inilabas na statement ng Minglanilla LGU, sinabi nito na nabigyan ng unang dose si Peña matapos na isinagawa ang vaccination rollout sa mga medical workers, mga barangay at rural health units noong nakaraang linggo.

Nakumpleto naman, aniya, ang nasabing rollout ng nasabing mga frontliners at wala itong intensyon na sumingit sa priority list ng gobyerno.

Giit naman nito na ginagawa ni Mayor Peña ang pagpabakuna upang ikampanya ang kaligtasan nito sa panahong mababakunahan ang ibang sektor.

Una nang nagbabala ang DILG na madadagdagan umano ang listahan ng mga alkaldeng mabibigyan ng show-cause order dahil sa diumanoy sumingit sa pagpabakuna.