-- Advertisements --
bhramos3

Pinagana na ng Philippine Marine Corps (PMC) ang kanilang Shore-Based Air Defense System (SBADS) Battalion kung saan ang mga tauhan nito ay sasailalim sa training kasama ang bagong Brahmos suspersonic missile na binili ng pamahalaan.

Mismong si Philippine Marine Corps (PMC) commandant Major General Nestor Herico ang nanguna sa seremonya sa Fort Bonifacio sa Taguig City.

Ang SBADS Battalion ay ang pangalawang unit sa ilalim ng Coastal Defense Regiment pagkatapos na ma-activate ang Shore Based Anti-Ship Missile (SBASM) Battalion.

Si Major Dennis Tubo ang magsisilbing Battalion Commander ng SBADS, kung saan tututukan niya ang pagkakaroon ng skilled personnel na hahawak sa missile system asset na magpoprotekta sa anumang banta o pag-atake.

“The SBADS will complement the efforts for sea lines of communications’ control, anti-access/area-denial, and coastal and island defense operations under our archipelagic coastal defense strategy,” pahayag ni MGen. Herico.

Naniniwala si General Herico na ang shore-based air defense system ay isang mahalagang bahagi sa pagkakaroon ng maaasahang coastal defense system na poprotekta sa mga strategic asset at imprastraktura.

Matutugunan din aniya nito ang mga kinakailangan ng militar sa pagtatanggol sa mga base at mga bagong kagamitan laban sa mga posibleng banta sa himpapawid.

Marines1

” The shore-based air defense system is considered a significant part of all reliable coastal defense systems that protect strategic assets and infrastructures. This is to address the military’s gap relative to our capacity to defend our bases and new equipment against aggressors from the air,” dagdag pa ni MGen. Herico.

Samantala umaasa naman si Phil Navy Flag-Officer-in-Command (FOIC) VADM. Adelius Bordado na mahalaga na maging matatag ang Phil Navy lalo at pino protektahan nito ang teritoryo ng bansa sa pamamagitan ng pagppatrulya ng mga barko sa karagatan.

Umaasa si Bordado na magpapatuloy ang modernisasyon ng hukbo ng sa gayon mas magiging reliable at credible ito.

Si Bordado ay nakatakdang mag retiro sa serbisyo sa darating na buwan ng Septyembre.