-- Advertisements --
Pinaalalahanan ng Commission on Elections (Comelec) ang mga kandidato para sa national positions at party-list groups na i-register ang kanilang official social media pages.
Ayon sa Comelec, 13 senatorial candidates at 23 party-list groups ang nakapagsumite ng kanilang websites at social media pages sa Education and Information Department ng poll boddy hanggang ngayong araw.
Sa kanilang inilabas na notice, sinabi ng Comelec na mahalagang i-register ng mga kandidato ang kanilang social media pages upang ma-monitor ang social media expense ng bawat kandidato para sa midterm elections.










