-- Advertisements --
Tiniyak ni Senador Robinhood Padiila na hindi na mauulit pa ang anumang karahasan o pang-aabuso sa mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) program.
Iginiit ni Padilla, na nagsusulong ng basic citizens’ military training, na ang ROTC ay hindi lamang tungkol sa paghawak ng baril kundi sa pangdepensa sa sarili at pagtulong sa oras ng sakuna.
Naniniwala ang mambabatas na 99% na propesyunal at maha-handle nang tama ang pagsasagawa kung ipapasa ang mandatory ROTC training.
Ani Padilla, hindi tama na agad iugnay ang “hazing” at pang-aabuso sa ROTC, basic citizens’ military training o military training dahil nangyari rin ito sa ibang organisasyon tulad ng ilang fraternity.