Hinikayat ni Sen. Bong Go ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) na tiyaking tama at naaangkop ang mga learning modules na ipapagamit sa mga mag-aaral sa gagawing blended learning sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Ginawa ni Sen. Go ang pahayag matapos kumalat sa social media ang malaswa at malisyosong nilalaman ng learning material.
Sinabi ni Sen. Go, nakarating na kay Pangulong Rodrigo Duterte ang isyu kaya nais nitong mapanagot ang gumawa ng learning modules na malisyoso o may lamang kabastusan.
“Hindi dapat ginagawang katawa-tawa o bastos ang laman ng mga materyales na dapat gamitin para matuto ang mga bata. Hirap na nga ang mga estudyante na maipagpatuloy ang pag-aaral ngayon, hahaluan ninyo pa ng kalokohan ang mga ituturo sa kanila,” ani Sen. Go.
Ayon kay Sen. Go, hindi katanggap-tanggap na hirap na nga sa pag-adjust ng mga estudiyante sa bagong paraan ng paag-aaral, hinahaluan pa kalokohan ang ituturo sa kanila.
Inihayag pa ng senador na dahil walang face-to-face, limitado ang oportunidad ng guro na gabayan ang mga estudyante. kaya naman mahalagang matiyak ang kalidad ng mga learning materials at modules na ginagamit nila.
“Learning modules must adhere to set standards. They must be child-friendly, appropriate, and teaches good values.”










