-- Advertisements --

Nagpaabot ng suporta si Sen. Bong Go sa mga measures para matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral na Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic at sa panahong may iba pang krisis at sakuna.

Sa isinagawang public hearing ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture kasama ang Committees on Higher, Technical, and Vocational Education; Health and Demography; National Defense and Security, Peace, Unification and Reconciliation; Ways and Means and Finance, hinikayat ni Sen. Go ang gobyerno na gawing prayoridad ang pangangalaga sa kapakanan ng mga kabataang Pilipino sa panahon ng pandemic.

“Our children’s safety and well-being are of utmost importance and it is our responsibility to ensure these, not only in this time of COVID-19, but also as we usher in the ‘new normal’ that comes with it,” ani Sen. Go.

Ipinahayag din ng mambabatas ang kanyang suporta sa mga tinalakay na panukalang batas para matulungan ang ating mga kabataan na maging handa lalo na sa mga hamong dala ng “new normal.”

“Given the present situation, kinakailangan na makapag-adapt, madagdagan, o baguhin ang ating school curricula para matugunan ang mga pangangailangan ng ating mga kabataan ngayong ‘new normal’ at para makabuo din tayo ng isang ‘better normal’,” dagdag ni Sen. Go.