-- Advertisements --

Hinihikayat din ni Sen. Bong Go ang mga telecommunications companies na ayusin ang kanilang ibinibigay na serbisyo sa mga Filipino consumers.

Sinabi ni Sen. Go, kung maayos ang internet connectivity, malaking tulong ito sa transisyon sa tinatawag na E-governance.

“I urge the private sector to help government in uplifting the lives of Filipinos especially in these trying times. Now, more than ever, the people’s welfare must be prioritized over profits for a few. Unahin po natin ang kapakanan at interes ng ordinaryong Pilipino,” ani Sen. Go.

Magugunitang sa kanyang ika-limang State of the Nation Address, kinalampag ni Pangulong Duterte ang mga telecommunications companies na ayusin ang kanilang serbisyo hanggang Disyembre ngayong taon.

Ayon kay Sen. Go, ang E-governance ay makakatulong para maiwasan ang red tape, walang matutulog na dokumento at walang mahabang pila na parusa sa taong bayan.

Inihayag ni Sen. Go na gaya ng binanggit ni Pangulong Duterte, panahon na para mawala ang pangangailangan na pumila para mapagsilbihan ng gobyerno.

“Kahit ako nga nahihirapan sa internet connection. ‘Yung mga Senate sessions, hearings at meetings ngayon ay virtual na bilang pagsunod sa social distancing measures. Apektado ang trabaho kapag mabagal at hindi reliable ang ating internet connection.”