Hinikayat ni Sen. Bong Go ang Department of Education (DepEd) na ilatag ang action plan para matugunan ang mga concerns ng mga Pilipino kaugnay sa pagbubukas ng klase sa Agosto 24.
Kasabay nito, pinaalalahanan ni Sen. Go ang mga concerned agencies na magtulungan para sa alternative, remote learning methods para matiyak ang education access ng mga estudiyante kahit wala silang internet cnnection.
“Meron pa rin sa ating mga estudyante ang walang access sa internet. Dapat siguraduhin na mabigyan pa rin sila ng oportunidad para maituloy ang kanilang pag-aaral,” ani Sen. Go.
Ayon kay Sen. Go, kaya nito hinihikayat ang DepEd na gawing mas accessible at inclusive ang kanilang mga programa para sa mga kabataan kahit saan mang parte ng bansa sa pamamagitan ng online at offline methods of teaching.
Una ng inirekomenda ni Sen. Go sa education sector na gamitin ang available media gaya ng telebisyon at radyo para sa distance learning ng mga estudiyante.
“May available multimedia platforms na pwedeng gamitin at airtime sa radyo at telebisyon na dapat allotted for educational programs. Ayon sa batas, pwede po itong gamitin bilang alternative mode of teaching and learning.”










