-- Advertisements --

Pinayuhan ang mga residente malapit sa Semeru volcano sa Java island na lumayo na muna kasunod nang pagpapakawala ng dalawang kilometrong ash column ng naturang bulkan.

Kamakailan lang nagpakawala rin ng ash clouds at pyroclastic flows ang Semeru volcano, na kumitil sa buhay ng 46 katao at ilan pa ang sugatan habang marami naman ang lumikas.

Kaninang umaga ay muli na naman itong nagpakawala ng makapal na puti at grey na ash clouds, ayon sa Center for Volcanology and Geological Hazard Mitigation (PVMBG) ng Indonesia.

Nagbabala ang naturang ahensy sa mga residente na huwag na munang lumapit sa bulkan.