-- Advertisements --
Sugatan ang security guard na nagbabantay sa bahay ng Canadian rapper na si Drake matapos na ito ay pagbabarilin.
Ayon sa kapulisan ng Ottawa, Canada, rumesponde sila sa isang tawag at nakita nilang sugatan ang isang lalaki.
Mabilis na tumakas ang nag-iisang suspek lulan ng isang sasakyan.
Hindi pa malinaw kung ano ang motibo at kung nandoon ba sa bahay nito ang rapper.