-- Advertisements --
Screenshot 20211012 191932 Facebook

Plano ngayon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang posibleng pagbibigay ng ikalawang phase ng cash at fuel subsidy sa mga public utility vehicle (PUV) operators sa gitna pa rin ng pagsipa ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sinabi ni LTFRB executive director Joel Bolano, tuloy-tuloy umano ang pakikipag-ugnayan ng mga ito sa Department of Energy (DoE) para sa naturang programa.

Sa ngayon, binabalangkas na raw ng LTFRB ang kanilang panukala na kinabibilangan ng kung magkano ang ibibgay na cash assistance at kung ilan ang beneficiaries na pasok sa Phase 2 ng fuel at cash subsidy.

Kung maalala, dahil na rin sa sunod-sunod na malakihang umento sa presto ng petrolyo ay naghain ngayong araw ang ilang trasport group ng petisyon sa LTFRB para ihirit ang P3 na minimum fare increase.

Kabilang dito ang mga transport groups na Pasang Masda, Fejodap, Altodap, LTop at Acto.

Kung maaprubahana ay magiging 12 na ang base fare sa mga jeep mula sa dating P9.

Kahapon sinabi ni Bolano na hindi raw kayang ibigay ng LTFRB ang hirit ng grupo ng mga tsuper na P3 na minimum fare hike para sa public transport.

Base raw kasi sa kanilang year-on-year computation, hindi dapat lalagpas sa P1.26 ang dagdag sa pasahe.

Aniya base na rin ito sa memorandum circular na pinagkasunduan ng LTFRB dahil na rin sa halos linggo-linggong pagtaas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa ngayon, base sa latest data mula sa Department of Energy (DoE) ang year-to-date adjustments, ang total net increase ay nasa P16.55 na ang kada litro ng gasolina, P15 sa kada litro ng diesel at P12.74 naman sa kerosene.