
Search ang retrieval operations na ngayon ang isinasagawa ng Philippine Coast Guard (PCG) sa 14 na mangingisdang Pinoy matapos lumubog ang kanilang fishing vessel na FV Liberty 5 nang ito ay mabangga ng Hong Kong Registered bulk carrier na MV Vienna Wood sa Mamburao, Occidental Mindoro.
Una rito, sinabi ng PCG kahapon na wala na silang nakikitang palatandaan ng survivors sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Pero sa kabila nito, umaasa ang PCG na dahil sa malakas na habagat ay posibleng mapapadpad ang 14 na mangingisdang mga Pinoy sa coastline ng Mindoro.
Naniniwala naman sii PCG Commandant Vice Admiral George Ursabia, na aksidente lamang ang nangyari at hindi sinadyang banggain ang naturang fishing vessel ng Hong Kong-flagged bulk carrier.
Aniya, ang lugar na pinangyarihan ng insidente ay tinatawag na sea lane o highway sa dagat na daanan ng mga sasakyang pandagat.










