-- Advertisements --

Nakamit ng Seattle Seahawks ang kampeonato ng Super Bowl 60 matapos talunin ang New England Patriots.

Naging matindi ang ipinakitang depensa ng Seahawks para makamit nila ang kanilang ikalawang Super Bowl Championship.

Unang nagkampeon ang Seahawks ay noong 2014.

Naitala nila ang score na 29-13 sa laro na ginanap sa Levi’s Stadium sa Santa Clara, California.

Naging susi sa panalo ng Seahawks ang coach na si Briton Aden Durde na siyang unang overseas coach para magwagi sa pinakamalaking laro sa Estados Unidos.

Umabot sa 70,823 na mga katao ang nanood sa laro ng SuperBowl 60.